iNews | November 3, 2021
Cotabato City, Philippines - Dalawang gunrunner ang arestado sa Sitio Malinis, Barangay Mother Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao noong October 31, 2021 kasunod ng pinaigting na kampanya ng PNP BARMM kontra loose firearms.
Naaresto ang kinilalang si Mohaimen at Talib sa entrapment operation. Parehong residente ng Matanog, Maguindanao ang mga ito.
Nakumpiska sa operasyon ang isang Remington 5.56 rifle; isang 40mm grenade launcher; Cellphones; at buy-bust money.
Hawak na ng Shariff Aguak PNP ang mga ito at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 of the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ayon kay PNP BARMM Regional Director, Police Brigadier General Eden Ugale magpapatuloy ang pinalakas pang kampanya ng otoridad laban sa loose firearms bilang bahagi ng paghahanda para sa isang maayos at mapayapang halalan sa darating na Mayo 2022.
