Kate Dayawan | iNews | October 14, 2021
Cotabato City, Philippines - Sa report ng Bongao PNP..
Isang concerned citizen ang nagsumbong sa kanilang tanggapan kaugnay sa isang kahina-hinalang transaksyon na nagaganap na sa bahagi ng Barangay Lamion, Bongao, Tawi-Tawi araw ng Martes, October 11.
Agad tumugon ang otoridad at napag-alaman na pagbebenta ng iligal na droga ang isinumbong na concerned citizen.
Agad na inaresto ang dalawang suspek na kinilalang sina alyas Al Tattoo, 41 anyos at alyas Diana, 33 anyos, kapwa mga residente ng nasabing lugar.
Nakumpiska ng mga otoridad mula sa posesyon ng mga suspek ang 16.25 grams ng hinihinalang shabu na may estimated market price na P110, 500.00, bukod pa ito sa mga drug paraphernalia na nakumpiska mula sa mga ito.
Pinuri naman ni PBGen. Eden Ugale, Provincial Director ng PRO-BAR at ang agarang pakikipag ugnayan ng isang concerned citizen at maagap na pagtugon ng mga elemento ng Bongao PNP.
Sinisiguro naman ng heneral na kanilang susuklian ang taos pusong dedikasyon at pagiibayuhin pa ang kanilang serbisyo sa tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng publiko.