top of page

2 INDIBIDWAL ARESTADO SA MAGKAHIWALAY NA COMELEC CHECKPOINT SA UNANG ARAW NG ELECTION PERIOD

Kate Dayawan| iNews | January 11, 2022



Courtesy: Police Regional Office - BAR



Cotabato City, Philippines – Kulungan ang bagsak ng driver na si Federico, residente ng B24 L2 Palmerston North Subdivision, Lambingan Tanza, Cavite at ng isa pang driver na si Romy na residente naman ng Barangay Dimasangka, Labangan, Zamboanga del Sur.


Sakay ng isang four wheeler cargo truck si Federico nang suriin ng otoridad ang sasakyan nito sa isang COMELEC checkpoint sa Poblacion 1, Cotabato City at natagpuan dito ang isang caliber .45 Norinco pistol.


Walang maipakitang Certificate of Authority si Federico na inisyu ng Committe on the Ban on Firearms and Security Concerns kaya't inaresto ito ng City Mobile Force Company ng Cotabato City Police Office.


Sa parehong araw, naaresto naman si alyas Romy nang makita sa ng otoridad sa minamaneho nitong SUV ang isang caliber .45 Colt pistol at wala rin itong maipakitang dokumento mula sa CBFSC.


Agad na itinurn-over ang mga naarestong indibidwal sa Cotabato City Police Office para sa proper disposition at pagpataw ng kaukulang parusa.


Pinuri naman ni PBGen. Eden Ugale ang law enforcers ng Cotabato City dahil sa istriktong pagpapatupad nito ng COMELEC Gun Ban.


Ipinapaalala rin ng heneral sa publiko na sumunod sa direktiba ng Omnibus Election Code upang maiwasang magkaaberya.



45 views
bottom of page