2 INDIBIDWAL SA COTABATO CITY, HULI DAHIL SA PAMEMEKE NG VACCINATION CARDS

Lerio Bompat | iNews | January 17, 2022

Courtesy: CM Atty. Cyn in Action Cotabato City



Cotabato City, Philippines- Sa Facebook post ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani Sayadi ipinakita nito ang dalawang pekeng Vaccination cards. Nakasaad din sa post ng Alkalde na isang krimen ang pamemeke ng mga public document at siguradong mapapatawan ng karampatang parusa kapag nahuli sa ilegal na gawaing ito. Aniya, hindi makakatakas ang mga gumagawa ng pekeng Vaccination card sa Cotabato City dahil sa masusing inspeksyon ng mga otoridad. Halos magkapareha ang itsura ng totoo at pekeng Vaccination card mula sa nahuling Indibidwal pero hindi pa rin ito makakalusot. Ayon sa Alkalde, magsilbi sanang babala sa mga nagbabalak na mameke ng mga dokumento, lalong lalo na ng vaccination card ngayong panahon kung kailan patuloy na tumataas ang bilang ng mga COVID-19 positive cases sa lungsod.



103 views