2 LALAKING SAKAY NG MULTICAB, PATAY SA SHOOT OUT SA BAYAN NG EZPERANZA SULTAN KUDARAT

Lerio Bompat | iNEWS | January 26, 2022



Photo Courtesy: PRO-12


COTABATO CITY, Philippines - Sa report ng Police Regional Office 12, kinilala ang mga nasawi sa pangalang “Bronx” at “Wahid”.


Sakay ng multicab ang dalawa at hindi umano huminto nang pinigil ng otoridad sa isang mobile checkpoint sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat, araw ng linggo. January 24, 2022.


Ang mobile checkpoint ay bahagi ng OPLAN: Integrated Revitalized Operation of Neighbourhood Watch against Criminality Lawlessness And Disaster (OPLAN: IRON CLAD) XII .


Ayon sa report, nang hindi tumigil ang sasakyan, agad nagsagawa ng pursuit operation ang otoridad na humantong sa shoot out.


Dinala pa sa Our Lady of Hope Clinic and Hospital ang dalawa pero dineklara ng attending physician na dead on arrival.


Nakuha ng otoridad sa posesyon ng dalawa ang caliber .22 revolver loaded with four (4) live at dalawang fired cartridge cases, isang (1) homemade break-pataopen pistol with fired cartridge case sa loob ng chamber, apat (4) na fired cartridge cases mula sa 9mm caliber pistol, 40 pieces small heat-sealed transparent plastic sachet na pinaniniwalaang shabu at isang (1) Improvised Thrown Munitions na nakrekober sa loob ng dashboard compartment ng sasakkyan.



Ipinag-utos naman ni Policek Brigadier General Alexander Tagum ang malalilmang imbestigasyon hinggil sa impormasyong sangkot sa pagdalala ng IED ang dalawa at ang sinasabing miyembro ang mga ito ng BIFF Bungos Faction na sangkot sa illegal drug trade, motor napping at iba pang krimen.

5 views