top of page

2 LOKASYON NG ADMINISTRATIVE CAPITAL


Mahigit kumulang isang daan at limampung ektarya ng lupain ang pagtatayuan ng Administrative Capital ng BARMM sa dalawang lokasyon sa bayan ng Parang, Maguindanao.


Puspusan na ang pagsusulong sa Bangsamoro Transition Authority Bill No. 43, “An Act Establishing the Administrative Capital of the Bangsamoro Government in the Municipality of Parang, Province of Maguindanao..”


Ayon kay Parang Mayor Cahar Ibay, itatayo ang administrative capital ng BARMM sa mahigit kumulang isang daang limampung ektaryang lupain sa dalawang lokasyon sa bayan.


Sa ilalim ng panukalang batas, itinutulak nito ang relocation ng Chief Minister's Office, Bangsamoro Parliament, ministries, offices, at agencies ng BARMM sa bayan ng Parang.


Ayon sa presentasyon ng Committee on Rules ang selection criteria para sa bagong government center ay kinabibilangan ng location and accessibility, land availability and suitability, infrastructure and utilities, economic, institutional, and social services, social and political acceptability, peace and order conditions, at ang potential na mapa-angat pa ang BARMM development.

18 views0 comments