top of page

2 MIYEMBRO NG ALG, PATAY MATAPOS MAKASAGUPA ANG MILITAR AT PULISYA SA COTABATO PROVINCE

FIONA FERNANDEZ I iMINDSPHILIPPINES


Patay ang dalawang kasapi ng Armed Lawless group na pinaniniwalaang high value target personalities habang isa ang naaresto matapos maka-engkwentro ng militar at pulisya sa ikinasang Joint Law Enforcement Support Operation sa Barangay Gokotan, Pikit at Barangay Lualan, Aleosan sa Cotabato Province, araw ng linggo.

Photo courtesy: 602nd IB


Sa report mula sa 602nd Infantry (LIBERATOR) Brigade, tumagal ng mahigit – kumulang limang minuto ang sagupaan sa pagitan ng government forces at Armed Lawless Group.


Sa clearing operation, narekober ng pulisya ang dalawang katawan ng ALG members na kinilalang sina Alyas Tatuan at Alyas Amerudin. Arestado naman ang isang kinilala sa alyas na Mads.


Narekober din sa lugar ang M14 rifle, homemade garand rifle, Cal.45 pistol, tatlong pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at iba pang war materials.


Sa ngayon, sasampahan na ng kaso ang naarestong suspek at nagsagawa na rin ng pusuit operation ang ottoridad.


Ang operasyon ay pinangunahan ng 602nd Infantry (LIBERATOR) Brigade, 6ID, 90th Infantry (BIGKISLAHI) Battalion, 1st Scout Ranger Battalion, Cotabato Provincial Police Office, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP).


End

0 views
bottom of page