top of page

2 MIYEMBRO NG BIFF, SUSPEK SA PANANAMBANG SA 2 AMPATUAN PNP NA SUBJECT SA WARRANTS OF ARREST

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES




Ito ang inabutan ng iNEWs Philippines team sa nangyaring ambush sa Purok Singko, Barangay Poblacion, Ampatuan, Maguindanao, pasado alas dose kahapon ng tanghali.


Nakatihaya na sa lupa ang nasawing hepe ng Ampatuan PNP na si Police Lieutenant Reynaldo Samson at Police Corporal Salipuden Endab.


Katabi ng mga ito ang police car na sinakyan nila nang mangyari ang pananambang alas nuebe kwarenta kahapon ng umaga. Tatlo pang pulis ang sugatan na agad isinugod sa pagamutan.


Kinilala ang mga ito na si PMS Renante Quinalayo, PCPL Rogelio Dela Cuesta Jr at PCPL Marc Clint Varrona Dayaday.


Tinungo ni PNP BARMM Regional Director, Police Brigadier General John Guyguyon ang pinangyarihan ng ambush. Isa isa nitong kinausap ang mga lider ng barangay sa lugar.


Sementado ang daan sa lugar at maraming sasakyan ang mga dumadaan dito. Malapit rin sa mga bahay ang nangyaring pananambang.


Galing ng Barangay Kapimpilan ang mga pulis kung saan naghain ng warrants of arrest sa dalawang miyembro ng BIFF pero hindi nila nadatnan sa lugar ang mga ito. Mula Barangay Kapimpilan, dumaan ang mga ito sa Barangay Poblacion ng bayan pabalik ng kanilang himpilan, na ilang daang metro lamang ang layo sa kanilang istasyon, dito na sila tinamb

angan.


Nagkalat din sa tabi ng daan ang mga basyo ng bala.



Hindi makapaniwala ang pamangkin ng nasawing si Police Corporal Endab sa sinapit nito.



Mariing kinondena ng PNP ang nangyaring ambush habang tinutugis ang mga responsable sa pananambang. Katuwang ng PNP BARMM sa pagtugis sa mga salarin ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines.


Ayon kay PNP BARMM Regional Director, Police Brigadier General John Guyguyon, mahigit tatlong libo pang warrants of arrest ang kanilang ihahain sa buong rehiyon.

32 views
bottom of page