Kate Dayawan | iMINDS Phils | February 22, 2022

Photo courtesy : PRO 12 - Public Information Office
Cotabato City, Philippines - Nagbalik-loob sa gobyerno sa pamamagitan ng Police Regional Office 12 ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group kasama ang isang tagasuporta araw ng Sabado sa Barangay Lumasal, Maasim, Sarangani Province.
Kinilala ang mga ito na sina alyas Sande, medical at supply officer, at isang kinilalang Samer na mga miyembro ng Guerilla Front 73 Musa ng Far South Mindanao Region Committee. Kasama ng dalawa na sumuko ang isang alyas Toto, isang mass supporter ng isang Underground Mass Organization.
Bitbit ng mga ito sa kanilang pagsuko ang isang homemade caliber 5.56 rifle na may limang live ammunition at isang magazine, isang caliber .22 revolver, at isang caliber 357 revolver na may anim na live ammunition.
Sa ngayon ay isinasailalim na sa custodial debriefing ang 1204th Maneuver, Company ng Regional Mobile Force Battalion 12 ang mga sumukong indibidwal.
Ayon kay PBGen. Alexander Tagum, Regional Director ng PRO12, ang pagsuko ng mga miyembro ng mga anti-government groups ay patunay lamang umano na patuloy nang humihina ang kanilang samahan at kalaunan ay mabubuwag na rin ng mga pwersa ng gobyerno.
End.