top of page

2 MIYEMBRO NG CTG, SUMUKO SA JOIN TASK FORCE CENTRAL SA KALAMANSIG, SULTAN KUDARAT

Kate Dayawan

(Photo courtesy: JTF Central) SULTAN KUDARAT - Malugod na tinanggap ng Joint Task Force Central ang pagsuko ng dalawang miyembro ng West Daguma Front sa Sitio Lower Tinagdanan, Barangay Hinalaan, Kalamansig, Sultan Kudarat noong araw ng Huwebes, May 26.


Kinilala ang dalawang sumukong indibidwal na sina alyas Tumalao at Sultan, miyembro ng Sub-Regional Committee Daguma (SRC Daguma), West Daguma Front, Far South Mindanao Region (FSMR).


Ayon kay Lt. Col. John Paul Baldomar, Commander ng 37th Infantry Battalion, ang dalawang dating rebelde ay mga respetadong lider umano ng Dulangan Manobo Tribe.


Ayon naman kay Brigadier General Eduardo Gubat, Acting Commander ng 6th Infantry Division at JTF Central, ang pagsuko umano ng dalawang lider na ito ay ndikasyon rin umano ito na patuloy nang humihina ang impluwensya ng CTG sa Kalamansig, Sultan Kudarat at umaasa na kalaunan ay tuluyan nang mabuwag ang SRC DAGUMA, FSMR.


Sa loob lamang ng limang buwan ngayong taon, abot na sa 68 miyembro ng komunistang terorista ang sumuko sa militar sa Central Mindanao.


10 views
bottom of page