top of page

2 ospital isinusulong na maipatayo sa Basilan at Lanao del sur

Kate Dayawan | iNEWS | September 17, 2021


Cotabato City, Philippines - Dalawang panukalang batas ang isinusulong ngayon sa Bangsamoro Transition Authority.


Ito ang Parliament Bill No. 123 at Parliament Bill No. 125.


Ang Parliament Bill No. 123 na akda ni MP Maisara Dandamun-Latiph ay naglalayong makapagpatayo ng 25-bed municipal hospital sa Butig, Lanao del Sur.


Habang ang Parliament Bill No. 125 naman na akda nina MP Abdulmuhmin Mujahid, MP Zul Qarneyn Abas, MP Atty. Laisa Alamia, MP Muslimin Jakilan, MP Alzad Sattar, MP Hatimil Hassan, MP Muslima Asmawil, at MP Faiz Alauddin. Ay naglalayong makapagpatayo ng 15-bed infirmirary hospital sa Maluso, Basilan.


Nakasaad sa mandato ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa regional government na tugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga Bangsamoro at siguraduhing natatamasa ng bawat indibidwal ang kanilang karapatan na mabuhay sa pamamagitan ng agarang interbensyon ng mahusay at abot-kayang mga serbisyong medikal.


Kapag naisabatas na ang mga panukala, mag-ooperate na ang mga ospital sa Lanao del Sur at Basilan pero mananatili sa Ministry of Health (MOH) ang supervision ng mga ospital.




Photo by: Bangsamoro Transition Authority Parliament

9 views
bottom of page