top of page

2 SA 492 NA NAGPOSITIBO SA OMICRON VARIANT NG COVID-19 ANG NASAWI MULA SA SAKIT, AYON SA DOH

Amor Sending | iNews | January 20, 2022


Courtesy: Google Photo



Cotabato City, Philippines - Kinumpirma ng Department of Health nitong Miyerkules, na dalawang katao na ang namatay matapos magkaroon ng OMICRON COVID-19 VARIANT. Aniya, kapwa kabilang ang dalawang nasawi sa 492 na karagdagang kaso ng lineage na naitala sa Pilipinas. Ang dalawang pumanaw ay parehong may edad 60 pataas, hindi pa nababakunahan kontra COVID-19 at may ibang sakit. Sinabi ng ahensiya na bagaman karamihan ng mga nagkaka-omicron ay nakakaranas ng mild symptoms o kaya ay asymptomatic, delikado pa ring mamatay rito ang mga matatanda, may comorbidity at hindi bakunado Kasabay nito, inanunsiyo rin ng DOH na umabot na sa 535 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng omicron variant - Sa ulat ng DOH nitong Miyerkules, ang 492 na karagdagang kaso ng omicron ay mula sa pinakahuling batch ng genome sequencing na isinagawa noong January 13 at 14. Sa panibagong batch ng mga omicron case, 332 ang local cases. Lumalabas din sa datos ng DOH na kalat sa iba-ibang rehiyon ng bansa ang 332 local cases. Mayroon sa National Capital Region, Calabarzon, Central Luzon, Central Visayas, Cagayan Valley, Western Visayas, Davao region, Soccsksargen, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Mimaropa at Bangsamoro. Ayon sa DOH, 3 kaso ng omicron ang nananatiling aktibo, 467 ang gumaling na habang 20 naman ang inaalam pa ang estado. Pinag-iingat din ni Vergeire ang mga taga-ibang rehiyon dahil hindi malabong kumalat din sa kanila ang omicron. Nagpaalala naman ang World Health Organization na sa kabila ng omicron variant, nanatiling epektibo pa rin ang bakuna para mapigilan ang pagkakaroon ng malalang COVID-19.

1 view
bottom of page