top of page

2 sundalo, 1 pulis at 2 sibilyan, arestado sa ikinasang buy-bust operation

Kristine Carzo | iNEWS | October 13, 2021


Cotabato City, Philippines - Sa report ng Maguindanao PNP, pasado alas Diyes kaninang umaga nang ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng 1404th Regional Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Battalion 14, Regional Intelligence Division ng PRO BAR, Regional Special Operations Group PROBAR, Sultan Domalondong Municipal Police Station, Lanao Del sur, 6th Military Intelligence Battalion, Regional Highway Patrol Unit BAR at Datu Odin Sinsuat PNP ang operasyon laban sa dalawang sundalo, isang pulis at dalawang sibilyan.


Kinilala ang mga naarestong pulis na si Eliver na nakadestino Regional Crime Laboratory Office-BARMM. Arestado rin ang dalawang sundalo na kinilala sa pangalang Gleen, residente ng Poblacion Lebak, Sultan Kudarat, at isang Reynaldo na residente ng President Quirino, Sultan Kudarat Province.


Dalawang sibilyan din ang kalaboso na kinilala sa alyas na Datu at alyas Adams na parehong residente Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat Maguindanao.


Nasabat sa operasyon ang isang 1 thousand peso bill, isang 5.56mm Bushmaster Rifle, dalwang 5.56 AFP Property Rifle, isang M4 Carbine, isang cal.45 rock island, isang cal.45 colt, isang Glock 17 Gen 4 na pagmamay-ari ng PNP, isang Glock 17 Gen 4 na pagmamay-ari ng AFP, isang ZIGANA PX-9 cal.9mm na pag-mamay ari ng PNP, isang cellphone at 500,000pesos doodle money at mga ID.


inihahanda na ang kaso laban sa mga ito at posibleng matanggal sa serbisyo ang naarestong pulis at sundalo sakaling mapatunayanga sangkot ang mga ito sa gun running” ito ang sinabi ni Maguindanao Provincial Police Director, Police colonel Jibin Bongcayao.


Nasa kostodiya na ngayon ng Datu Odin Sinsuat PNP ang mga naarestong suspek.




49 views
bottom of page