top of page

2 training center ipapatayo ng MBHTE-TESD sa 2 bayan sa Tawi-Tawi

Kate Dayawan | iNEWS | September 30, 2021


Cotabato City, Philippines - Bago magtapos ang taong 2021, itatayo ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education - Technical Education Skills and Development (MBHTE-TESD) ang dalawang training center sa bayan ng Panglima Sugala at Simunul.


Ayon kay Dr. Maryam Nuruddin, MBHTE-TESD Tawi-Tawi provincial director, layon ng pagpapatayo ng dalawang training center ang mailapit sa mga mamamayan ang serbisyo ng nasyunal at Bangsamoro government at makakatulong rin na mapaganda ang economic activity sa probinsya at mas mapadali na ang access sa skills training.


Bawat Municipal Training Center ay nagkakahalaga ng 5 million pesos na pinondohan sa ilalim ng general appropriations ng MBHTE-TESD.


Nakatakda namang isagawa ang groundbreaking ng mga nasabing proyekto sa ikatatlong linggo ng Oktubre.


Sinabi rin ni Nuruddin na inimplementa ng TESD Tawi-Tawi ang Enhanced Manufacturing of Protective Wear and Equipment for COVID-19 Response in Bangsamoro Region o Empower BARMM iniative ng United Nations Development Program kung saan binigyan ang mga piling grupo ng mga mananahi ng makina at raw materials upang matulungan ang mga ito mula sa pagiging dressmakers na maging PPE manufacturers.


Kabilang sa mga grupong ito ay ang police women organization at Mana Tailoring Shop upang makatulong sa pagtugon sa demand ng protective wears sa bansa.





10 views
bottom of page