Kristine Carzo | iNEWS | September 29, 2021
Cotabato City, Philippines - Sa report mula sa City Police Drug Enforcement Unit, pasado alas sais ng hapon kamakalawa araw ng Lunes ng ikinasa ng mga otoridad ang test buy laban sa kinilalang Kalipa, bente anyos, estudyante at residente ng Mother Barangay Bagua Cotabato City.
Nabili ng isang nagpanggap na poseur buyer kay kalipa ang isang pakete ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng 500 pesos.
Maliban pa sa iligal na droga nakuha rin sa posisyon nito ang buybust money na ginamit sa operasyon.
Nakapiit na ngayon sa selda ng Cotabato City PNP Station 4 ang suspek at mahahrap sa kasong paglabag sa RA 9165 O Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
