top of page

200 POLICE RECRUITS NANUMPA NA SA TUNGKULIN AT GANAP NG MIYEMBRO NG PNP MATAPOS ANG TRAINING

FIONA FERNANDEZ I iMINDSPHILIPPINES


Mula sa siyam naraan na nagsumite ng kanilang aplikasyon para maging pulis, dalawang daan lamang ang napili at sumailalim sa anim na buwan na pagsasanay tulad ng Physical Agility Test, Psychiatric and Psychological Examination, Physical, Medical and Dental Examination, Drug Test, at Final Committee Interview.


Photo courtesy: PNP PRO BAR


Pormal nang nanumpa kahapon sa kanilang tungkulin bilang ganap na bulis ang dalawang daang recruits na kinabibilangan ng isang daan at pitumpong lalaki at tatlumpong babae.


Paalala naman ni Police Brigadier General John Guyguyon sa mga bagong nagtapos na ialay ang tapat na serbisyo hindi lamang sa BARMM kundi sa buong bansa at para sa sambayanang Pilipino.


end


1 view
bottom of page