204,000 NA HALAGA NG ILIGAL NA DROGA, NASAMSAM NG PULISYA SA ZAMBOANGA CITY

Updated: Sep 16

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES




Kulungan ang bagsak nina Alyas Vincent at Alyas Leo matapos malambat sa isinagawang Anti-Drug Operation ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Station 4 katuwang ang iba pang operating units sa Barangay Sta. Maria, Zamboanga City nitong Martes, September 13.


Sa naturang operasyon, masamsam ang nasa tatlumpung gramo ng hinihinalaang Shabu na nagkakahalaga ng 204 thousand pesos.


Sa ngayon, nahaharap na ang dalawanng drug suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



4 views