top of page

206 new cases ng COVID-19 naitala sa Region 12, 81 naman sa BARMM

Joy Fernandez | iNEWS | October 13, 2021


Cotabato City, Philippines - Nakapagtala ng dalawang daan at anim na panibagong kaso ng Covid-19 ang rehiyon dose as of October 12, 2021.


Sa buong rehiyon dose umaabot na sa 53, 669 ang kabuuhang kaso ng nagpositibo sa sakit. 3, 313 rito ang nananatiling aktibo, 48, 490 ang gumaling at 1,857 naman ang bilang ng mga nasawi.



Sa BARMM nakapag tala ito ng 81 new cases ng Covid-19, 22 rito ay mula sa Maguindanao, 41 sa Lanao Del Sur at Marawi City, 11 sa Basilan at Lamitan City at 7 naman sa Cotabato City.


Sa buong rehiyon ng Bangsamoro umaabot na sa 13, 910 ang nagpositibo sa sakit. 912 rito ang aktibong kaso, 12, 444 ang gumaling at 554 naman ang nasawi.



Sa Cagayan de Oro City, nakapagtala ang lungsod ng 4 new cases ng Covid-19 as of October 11, 2021.


Sa kabuuhan umaabot na sa 19, 834 ang kaso ng Covid-19 sa Cagayan de Oro City. 1,365 ang aktibong kaso, 17, 634 ang gumaling at 835 naman ang mga nasawi.


Sa Zamboanga city, nakapagtala ang lungsod ng 189 na panibagong kaso ng Covid-19 as of October 11, 2021.


Tinatayang umaabot na sa 17, 822 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa siyudad. 2,551 ang aktibong kaso, 14, 487 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 784 naman ang pumanaw mula sa sakit.



Habang nakapag tala naman ng 247 new cases ng Covid-19 ang Davao Region as of October 12, 2021.


Sa kabuuhan ay umaabot na 98, 587 ang kaso ng covid-19 sa davao region, 15, 661 ang nananatiling aktibo, 79, 828 ang gumaling at 3, 098 naman ang pumanaw mula sa sakit.




4 views
bottom of page