Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 22, 2022

Photo courtesy : PNP PRO BAR
Cotabato City, Philippines - Matapos ang anim na buwang pagsasanay sa Public Safety Basic Recruit Course, isinasailalim na ngayon ang dalawang daan at siyam na mga miyembro ng PSBRC Class 2021-01 “SANIBLAHI” sa Field Training Program.
Kahapon, March 21, pinangunahan si PCol. Rex Derillo, Chief of the Regional Staff, PRO BAR, ang Send-Off Ceremony ng mga police trainees sa Field Training Officers nito at sa iba’t ibang Municipal Police Station ng Maguindanao Police Provincial Office na ginanap sa Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao.
Ang PNP Field Training Program ay nakadesinyo upang ma-expose ang mga trainees at mga bagong recruit sa komunidad ng mga kapulisan at sa totoong trabaho ng police kung saan kabilang na dito ang aktwal na karanasan sa larangan ng pagpapatrolya, traffic management at imbestigasyon.
End.