top of page

219 DATING MILF COMBATANTS, NAKATANGGAP NG CASH INCENTIVES MULA SA MBHTE-BARMM

Fiona Fernandez

(Photo courtesy: MBHTE-BARMM)

BANGSAMORO REGION - Kasabay ng pagkumpleto ng kanilang Livelihood Skills Training, nakatanggap ang 219 former MILF Combatants ng cash incentives mula sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education ng BARMM nitong huwebes.


Ayon kay MBHTE Minister Mohagher Iqbal na ang subsidy ay parte ng pakikipagtulungan ng MBHTE sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) upang maiangat ang socio-economic status ng MILF combatants sa ilalim ng Normalization Program.


Maliban pa sa skills training, ang naturang programa rin ay nagbibigay ng financial assistance sa mga na-decommissioned na combatants.


Ang mga dating combatants ay tinuruan sa organic fertilizer production, carpentry, dressmaking, bread and pastry production, and organic concoction and extracts, at iba pa.


Samantala, nakahanda na ang bagong hanay na parograma para sa susunod na batch ng trainees.


13 views
bottom of page