top of page

22 FORMER REBELS, NAKATANGGAP NG LIVELIHOOD ASSISTANCE AT FIREARMS RENUMERATION MULA SA E-CLIP

Kate Dayawan

DAVAO DEL SUR - Masayang tinanggap ng dalawampu’t dalawang mga dating rebelde ang 15,000 pesos na Immediate Assistance at 50,000 pesos na Livelihood Assistance na ipinagkaloob sa kanila ng gobyerno sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) nito kahapon, May 23, sa Provincial Capitol Grounds, Digos City, Davao del Sur.


Bukod dito ay nakatanggap rin ng 100,000 pesos na Firearms Renumeration ang apat sa mga nasabing indibidwal.


Ang E-CLIP ng gobyerno ay nagbibigay ng oportunidad sa mga sumukong mga rebelde na maturuan at matulungan sa iba’t ibang aktibidad upang magabayan ang mga ito sa kanilang pagbabalik sa normal na pamumuhay.


Nagbibigay rin ang E-CLIP ng financial assistance sa mga dating rebelde upang magamit ng mga ito sa kanilang pamumuhunan ng kanilang maliit na negosyo.


Bukod pa ito sa reintegration at deradicalization sessions na ginagawa upang maitanim sa isipan ng mga ito ang nationalistic and civic welfare values at ang Livelihood programs upang kanilang mapanitili ang mga trainings and workshops na itinuro sa kanila.


Sa kasalukuyan, patuloy pa ring hinihikayat ng gobyerno ang natitira pang mga miyembro ng makakaliwang grupo na sumuko na at magbalik-loob para sa maangat at mas progresibong bansa.


Bago isakatuparan ang nasabing programa, sumailalim muna ang 22 former rebels sa tatlong buwang Tupad Pangako Program kung saan kabilang sa mga itinuturo dito ay ang de-readicalization, Alternative Learning System, Skills Development Program at Livelihood and Spiritual Program na layong makapagbigay ng all-out government assistance and resource sa mga dating rebelde upang makagawa ng impact sa kanilang buhay upang masiguro ang kanilang complete reintegration and transformation sa pagiging self-reliant, law-abiding at produktibong miyembro ng lipunan.

3 views
bottom of page