Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Dalawampu't dalawang matataas na kalibre na mga armas ang isinuko ng lokal na pamahalaan ng munisipalidad ng Hadji Mohammad Ajul, Basilan sa militar nitong September 9.
Pinangunahan ng alkalde ng bayan Talib Pawaki ang Pag turn over ng mga armas sa militar.
Ang mga armas ay isinuko ng mga indibidwal mula sa iba't ibang barangay ng munisipyo.
Kabilang sa mga isunuko ang Na-turn over ang 16 cal. 30mm Garand rifles, tatlong cal. 30mm Carbine rifles, isang cal. 5.56mm M16 A1 rifle, isang cal. 5056mm M4 rifle, at isang M79 Grenade Launcher.
Ayon kay Brig. Gen. Domingo Gobway, ito ay resulta ng kampanyang Small Arms and Light Weapons (SALW) program ng 4th Special Forces Battalion at ng municipal local government unit ng HMA.
Mula nang ipatupad ang SALW program sa Basilan, umabot na sa kabuuang 4, 191 assorted firearms ang nai-turnover at isinuko, at 85 indibidwal ang nahandugan ng livelihood package kapalit ng kanilang mga isinukong armas.