top of page

22 Million Road Concreting Project sa bayan ng Pikit, itinurn-over ng Provincial Government ng Cotab

Kate Dayawan | iNews | October 14, 2021



Cotabato City, Philippines - Personal na itinurn-over ni Cotabato Governor Nancy A. Catamco ang pagturn-over ng road concreting projects na nagkakahalaga ng 22 million pesos sa bayan ng Pikit araw ng Miyerkules, October 13.


Kabilang sa nasabing proyekto ang P12M halaga ng road concreting na may habang 1.15 kms sa Barangay Calawag at 960mtrs na kaparehong proyekto sa barangay Ginatilan na nagkakahalaga naman ng P10M.


Dahil sa ipinagawang proyekto ay madali na para sa mga magsasaka na mailuwas sa bayan ang kanilang mga produkto.


Mababakinabangan rin ng Barangay Ladtingan at Panicupan ng Pikit ang proyektong kalsada.


Kasama ni Governor Catamco sa nasabing aktibidad sina Board Member Dulia Sultan, Pikit Vice Mayor Muharyn Sultan-Casi, at Ginatilan Brgy. Kapitan Abdulracman Parnan at Calawag Brgy. Captain Bernard Tambagan.




0 views
bottom of page