Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Nagtapos na ang dalawampu’t dalawang trainees ng Bangsamoro READi sa Urban Search and Rescue (USAR) sa Subic Bay Metropolitan Authority, Zambales noong October 2.
Photo courtesy: BARMM READi
Sa closing ceremony, iprinisinta ni SBMA Fire Chief Ranny D. Magno ang dalawampu't dalawang graduates, sa Bangsamoro READi.
Sinundan ito ng paggawad ng certificates of completion sa mga nagsipagtapos.
Binigyang diin ni MILG Executive Assistant Nor Sinarimbo, ang kahalagahan ng pagbibigay kakayahan sa mga rescuers upang tumugon sa mga hindi inaasahang sakuna.
Mayroon na ngayong kabuuang 43 certified Urban Search and Rescuers na sinanay ng Bangsamoro READi katuwang ang SBMA Fire Department.
Ang mga nagtapos ngayong taon ay mula sa Bangsamoro READi, CDRRMO ng Marawi at Cotabato City, PDRRMO ng Lanao Del Sur at Basilan, at MDRRMO ng Bonggao, Tawi-Tawi at Jolo, Sulu.
End