Kristine Carzo | iNews | September 6, 2021
Cotabato city, Philippines - Nanumpa na ang dalawang daan at dalawamput siyam na Candidate Soldier ng Class 673 at 674-2021 araw ng Huwebes a-dos ng Sityembre sa 6th Infantry Division Grandstand, Camp Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Kasunod ng oath of enlistment ay ang anim na buwang pag-sasanay bago maging ganap na mga sundalo.
Pinangunahan mismo ni 6th Infantry Division Commander Major General Juvymax R. Uy ang pagtatapos ng dalawang daan at dalawamput siyam na mga sundalo.
Ayon sa general, ang pagtatapos ng mga candidate soldier ay simula palamang ng kanilang paglalakbay bilang mga sundalo.
Ipinapangako naman ng bawat sundao na sila ay magsisilbi ng buong puso sa bawat Pilipino at sisiguraduhin poprotektahan ang bansang Pilipinas.
