Kristine Carzo | iNEWS | September 24, 2021
Cotabato City, Philippines - Huwebes ng umaga tinanggap ng mga kawani ng Department of Health-Center for Health Development Soccsksargen Region ang bakuna kontra Covid-19 na laan para sa mga residente ng Rehiyon Dose.
Kabilang sa mga bakunang dumating ang 23,680 vials of Sinovac vaccine, at 1,200 ampules of Gamaleya (Sputnik V) vaccine.
Lahat ng mga bakuna ay hahatiin sa mga lugar sa rehiyon at ituturok sa mga kabilang sa priority groups A1, A2, A3, A4 at A5.
Aasahan na sa mga susunod na araw ang mayroon pang darating na dagdag na bakuna mula sa national government.
