23 BIFF MEMBERS, SUMUKO SA AWTORIDAD SA MAGUINDANAO

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES


Sumuko ang dalawampu’t tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Barangay Kamasi, Ampatuan, Maguindanao nitong September 24.


Kasabay namang isinuko ng mga former extremist ang caliber .45 pistol, dalawang M79 Granade Luncher, limang Garand

Photo Courtesy: PRO BAR Rifle, dalawng M14 Rifle, Caliber 30


Carbine, Barret Improvised Sniper Rifle, M16 Sniper Rifle, at Caliber 30 Mauser.


Sa isinagawang programa ng PNP at AFP, iprinisinta ng mga ito ang mga former extremist at sinaksihan naman ito ni Atty. Cyrus Torrena, Administrative Officer ng Maguindanao.


Makakatanggap naman ng assistance ang mga former extremist mula sa Municipal Mayors ng Sultan Sa Barongis, Sultan Mastura, Shariff Aguak, Mamasapano, at Talayan.


Patuloy namang hinihikayat ng mga otoridad ang mga natitira pang violent extremists na sumuko na at magbagong buhay.



4 views