top of page

23 law offenders, naaresto ng PRO-BAR sa isang araw na paglulusad ng region-wide SACLEO

Kate Dayawan | iNews | November 2, 2021


Cotabato City, Philippines - Napasakamay ng Police Regional Office - Bangsamoro Autonomous Region sa pamumuno ni PBGen. Eden Ugale ang dalawampu't tatlong indibidwal na lumabag sa batas matapos ang isang araw na paglulunsad ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations o SACLEO sa buong rehiyon ng BARMM araw ng Sabado, October 30.


Kabilang sa mga nahuli ang siyam na indibidwal na may kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002; dalawa naman ang may kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act; tatlo ang mayroong kaso dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling at 9 naman ang mga nahuling wanted person.


Narekober din sa operasyon ang dalawampu't tatlo na iba't ibang uri armas, pagkasabat ng isang kilo ng cocaine na may estimated value na 5.3 million pesos at 13.38 grams ng shabu na may standard market value na 90,984 pesos.


Pinuri naman ni PBGen. Ugale ang patuloy na pagsisikap ng mga kapulisan ng PRO BAR sa kabila ng kinakaharap na pandemya dulot ng COVID-19. Hindi ito naging hadlang upang maisagawa ang mga operasyon laban sa iligal na droga at pagtugis sa mga indibidwal na nagkasala sa batas.


Patuloy umanong magsusumikap ang PRO-BAR upang mapanatili ang kaayusan sa buong rehiyon ng Bangsamoro.




2 views
bottom of page