top of page

23 VIOLENT EXTREMISTS SUMUKO SA JOINT TASK FORCE CENTRAL

Lerio Bompat | iNEWS | January 24, 2022


Photo Coutesy : 6ID


Cotabato City, Philippines - Ayon kay 6th Infantry Division Commander, Major General Juvymax Uy, ang mga sumuko ay kinabibilangan ng anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Karialan Faction.


Dalawa naman dito ay mula sa Daulah Islamiya Turaife Group na sumuko sa 90th Infantry Battalion sa bayan ng Pikit, North Cotabato. Tatlo naman mula sa BIFF Karialan Faction at dalawa mula sa Dawlah Islamiya Hassan Group ang sumuko sa 90IB sa Pagalungan, Maguindanao.


Sampu pang BIFF-Bungos Faction ang sumuko rin sa 1st Mechanized Battalion sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao.


Sa kabuuan umabot na sa 53 violent extremists ang nagbalik loob sa gobyerno simula unang araw ng Enero 2022.


Ayon kay Lieutenant Colonel Rommel Mundala, Commanding Officer of 90IB bitbit ng siyam na mga dating violent extremists na sumuko sa Pikit, North Cotabato ang isang Cal. 30 Machine gun, dalawang M16 Rifles, tatlong M14 Rifles, isnag RPG2 at isang grenade-type IED. Iprenisinta ang mga ito kay Colonel Donald Gumiran, ang Deputy Commander ng 602nd Brigade ng Philippine army at kay Pikit Mayor Sumulong Sultan.


Isinuko naman ng limang dating extremists na sumuko sa Pagalungan, Maguindanao ang dalawang M14 Rifles, isang Ultimax 5.56mm machine gun, isang RPG2, at isang 7.62mm Barret Rifle. Iprenisinta naman angmga ito kay Colonel Gumiran at kay Pagalungan Mayor Salik Mamasabulod.


Isinuko rin ng sampung mga dating miyembro ng BIFF mula sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao ang


Isang US Cal .30 M1919A4 Browning Machine Gun, isang US M1 Carbine Rifle, isang US M14 Rifle, isang US M14 Rifle, isang Garand Rifle, apat na (4) Homemade 7.62mm Sniper Rifles. Iprenisinta ang mga ito ni Lieutenant Colonel Cresencio Sanchez Jr., ang Commanding Officer of 1st Mechanized Battalion kay Colonel Ferdinand Lacadin, ang 1st Mechanized Brigade Officer In Charge at sa executive secretary ng Datu Salibo, Maguindanao.


Isasailalim naman sa DIWATA-HAVEN Program sa North Cotabato at AGILA-HAVEN ng Maguindanao Provincial Government ang mga sumuko.

8 views
bottom of page