top of page

24 mga batang lansangan, sinagip ng Office on Social Welfare and Development Services

Kristine Carzo | iNEWS | September 30, 2021


Cotabato City, Philippines - Nirescue ng Office on Social Welfare and Development Services OSWDS ang mga batang lansangan sa Cotabato City. Bahagi ito ng pag-iingat ng lokal na pamahalaan ng Cotabato sa banta ng Covid -19.


Sa isinagawang rescue operation, dalawamput apat na mga batang lansangan ang nasagip ng OSWDS


Agad naman na dinala sa Social Development Center ang mga bata para sa isasagawang profiling at assessment.


Ipapatawag din ng OSWDS ang ang kanilang mga magulang upang isagawa ang case conference, values formation and parent effectiveness seminar.


Paalala naman ng OSWDS sa mga magulang na kung maari ay huwag hayaan ang kanilang mga anak na manatili sa mga lansangan lalo pa’t patuloy na tumataas ang kaso ng Covid-19.




4 views
bottom of page