top of page

25 ROF'S MATAGUMPAY NA NASUNDO NG MAKABAGONG MAGUINDANAO MEDICAL TEAM

Amor Sending | iNEWS | December 1, 2021

Photo courtesy : Makabagong PDRRMO Maguindanao


Cotabato City, Philippines - Dalawampu’t limang panibagong batch ng Returning Overseas Filipino’s ang matagumpay na nasundo ng Team Bravo ng Maguindanao Emergency Medical Technician sa paliparan ng General Santos City, araw ng Lunes, ika-dalawampu’t siyam sa buwan ng Nobyembre.


Ang mga naturang ROF’s ay dinadala sa Maguindanao Isolation Facility, ngunit bago magtungo sa lugar, sila ay binibigyan ng pagkain at inaasikaso ang kanilang bagahe upang hindi na mahirapan ang mga ROF’S sa pagdadala ng mga ito.


Lagi ring nakaantabay ang Emergency Medical Team sa anumang serbisyong medikal na kakailanganin ng mga ROF’S.


Ito ay alinsunod sa direktiba ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu upang matiyak ang kaligtasan ng mga Returning Overseas Filipino’s sa anumang banta ng Covid-19 bagi umuwi sa kani-kanilang bayan.

6 views
bottom of page