top of page

25 ROFs, matagumpay na nasundo ng Maguindanao Medical Team

Kate Dayawan | iNEWS | September 14, 2021


Cotabato City, Philippines - Dalawamput limang Returning Overseas Filipino Workers ang sinundo ng TEAM ALPHA ng Provincial Government ng Maguindanao sa paliparan ng General Santos City.


Mula sa General Santos City airport ay dadalhin ang mga ito sa isolation facility ng probinsya upang isasailalim sa quarantine.


Layon ng hakbang na ito ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao na masigurong ligtas mula sa COVID-19 ang isang ROF.


Samantala,


Tuloy ang mga proyektong pang imprastraktura ng provincial government ng Makabagong Maguindanao-


Sa Barangay Kapinpilan, Ampatuan, mayroon ng bagong Mini Gym sa lugar.


Mula sa 20 percent Development Fund ng Internal Revenue Allotment ng Lalawigan ang pondong ginamit sa proyekto.


Ang pasasakatuparan ng mga proyekto ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadau ay tungo sa ninanais nitong mayapa, maunlad at maliwanag na probinsya.





Photo by: Babai A Kasaligan

0 views
bottom of page