top of page

27 PDL NG BALAY SILANGAN, NAGSIMULA NA SA KANILANG 28 DAY BREAD AND PASTRY PRODUCTION TRAINING

Joy Fernandez | iNEWS | November 30, 2021

Photo courtesy : Provincial Government of South Cotabato


Cotabato City, Philippines - Nagsimula na sa kanilang dalamput walong araw na Bread and Pastry Production Training ng Technical Education Skills and Development Agency o TESDA--


Ang dalawamput pitong Person's Deprived of Liberty ng Balay Silangan Reformatory Center sa Probinsya ng South Cotabato.


Inihayag ni TESDA Center Manager Genelene Vidanes, na ang pagsasanay na ito ay hindi lamang isang magandang karanasan para sa mga PDL, kun'di isa na ring karagdagang kaalaman at kasanayan.


Magbibigay naman ng seed capital na nagkakahalaga ng P10,000 ang Provincial Government ng South Cotabato sa ilalim ng pamumuno ni Governor Reynalso Tamayo Jr. sa nasabing mga PDL kung sakaling naisin nilang magtayo ng negosyo gamit ang mga natutunan nila mula sa nasabing pagsasanay.


Samantla, may ino-offer din na 40 Day Commercial Training ang TESDA para pa rin dalawanput pitong PDL na ito.

10 views0 comments