Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 15, 2022

Photo courtesy: PNP PRO BAR
Cotabato City, Philippines - Simula ng ipatupad ang COMELEC Gun Ban dalawang buwan na ang nakalilipas, umabot na sa dalawampu’t walong indibidwal ang naaresto ng Police Regional Office BAR sa buong rehiyon ng Bangsamoro
Labing pito sa mga ito ay naaresto sa inilunsad na PNP/AFP COMELEC Checkpoints habang ang labing isa naman ay naaresto sa isinagawang focused police operations.
Dalawampu’t siyam na mga armas din ang nakumpiska ng otoridad kabilang na dito ang 431 na assorted ammunition.
Pinuri ni PBGen Arthur R Cabalona, Regional Director ng PRO BAR, ang hindi matatawarang pagsisikap ng kanyang kapulisan sa patuloy na pagsasagawa ng intensified law enforcement operations upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Bangsamoro Region.
Hinimok rin ng heneral ang publiko na makilahok sa PRO BAR sa pagpapaigting ng kanilang paghahanda tungo sa ligtas, tama, patas at free 2022 National at Local Elections.
Samantala, isinampa na ang kasong paglabag sa Omnibus Election Code laban sa mga nahuling Gun Ban violators.
Ang COMELEC Gun Ban ay isa sa mga prohibitions na ipinatutupad sa kasagsagan ng election period mula January 9 hanggang June 8 ngayong taon.
End.