top of page

28 LOOSE FIREARMS, ISINUKO SA MILITAR SA WAO, LANAO DEL SUR

Updated: Aug 28, 2021

Kate Dayawan | iNews | iMinds Philippines


Cotabato city, Philippines - Bilang suporta kampanya ng gobyerno kontra loose firearms, mas maraming armas pa ang naiturn-over sa Joint Task Force Central sa bayan ng Wao, Lanao del Sur.


A nuwebe ng Agosto, nang isuko ng dalawampu't anim na mga barangay chairman ng Wao ang dalawampu't walong high at low-powered firearms kay Col. Jovencio Gonzalez, ang Deputy Commander ng 602nd Infantry Brigade.


Kabilang sa mga itinurn-over na mga armas ay ang dalawampu't isang 12-gauge shotgun, apat na cal. 38mm revolver, isang cal. 38mm pistol, isang 9mm Uzi at cal. 22 revolver.


Ang ceremonial turnover ng mga nasabing armas ay isinagawa sa Barangay Extension Covered Court, Wao na sinaksihan ni Wao Mayor Elvino Balicao Jr. at iba pang mga lokal na opisyal.

Photo by: Western Mindanao Command, AFP



12 views
bottom of page