Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 17, 2022

Photo courtesy : Bangsamoro READi
Cotabato City, Philippines - Sa pangunguna ng Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (READi) ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG), BARMM katuwang ang 6th Infantry Division Training School, sinimulan na ang pagsasanay sa ikalawang batch ng Water Search and Rescue, kahapon, March 16.
Ang 2nd Batch ng WASAR Training ay binubuo ng 44 partisipante na kinabibilangan ng 40 kalalakihan at apat na kababaihan mula sa Taraka, Lanao del Sur; Buluan, Maguindanao; Barangay Kalanganan 2 at Esteros ng Cotabato City.
Habang mayroon ding sampung partisipante mula naman sa Provincial DRRMO ng Basilan at ng Maluso.
Dumalo sa Opening Ceremony ang kinatawan ni MILG Minister Naguib Sinarimbo na si Executive Assistant Nor Sinarimbo, kasama sina Training Director Major Rodrigo Vitug Jr., at Major Eric M Aprosta (INF) PA ng 6th ID Division Training School.
Layon ng pitong (7) araw na WASAR training na palakasin ang kapasidad ng mga community responders sa pamamagitan ng kanilang basic firefighting techniques, water safety and rescue, basic scuba, paggamit ng machine at power tools, at small boat operation.
Ayon sa kinatawan ni Minister, kasama din sa mga layunin ng training ay ang pagpapaigting sa networks ng mga responders ng Bangsamoro na nasa island provinces at sa mainland.
End.