3.4 MILLION PESOS NA HALAGA NG HINIHINALANG ILIGAL NA DROGA, NAKUMPISKA NG PDEA
Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Arestado ang isang drug peddler ng iligal na droga at nasamsam sa pag-iingat nito ang Php3.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa kahabaan ng Bubong Road, Tamontaka 1, Cotabato City alas dos y kwarenta ng hapon nitong July 27.
Ang naarestong suspek na si alyas Misuari ay residente pa ng Damablac, Talayan, Maguindanao.
Ayon sa ulat ng Philippine Drug Emforcement Agency BARMM katuwang ang 99th Infantry Battalion at iba pang police operating units, si alyas Misuari umano ay nagbebenta ng iligal na droga sa mga karatig bayan ng Maguindanao at Cotabato City.
Nakumpiska din sa naturang operasyon ang sampung pakete ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na humigit kumilang 500 grams na nagkakahalaga ng 3,400,000.00, buy-bust money, at isang unit ng mobile phone.
Nasa kustodiya na ng PDEA BARMM Jail Facility ang nahuling suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.