top of page

3.4 million pesos na halaga ng iligal na droga, nakumpiska ng PDEA BARMM;2 arestado!

Updated: Sep 10, 2021


Kristine Carzo | iNEWS| September 9,2021


Cotabato City, Philippines - Hindi bababa sa Limang daang gramo ng pinaghihinalaang shabu na may national average price na 3.4 million pesos ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency-BARMM sa isinagawang buy-bust operation sa Kalaw Street, Federville Subdivision, Barangay Rosary Heights 11, Cotabato City.


Pasado alas-dose ng tanghali, araw ng Huwebes ng isinagawa ng PDEA-BARMM ang pakikipag transaksiyon sa suspek na nagresulta sa pagkaka aresto nito.


Kinilala ang suspek sa pangalang Benjamin, Bente-uno anyos at residente ng Barangay Pagatin, Datu Salibo Maguindanao


Bukod pa kay alyas Benjamin, nakatakas naman ang kasamahan nito na si alyas Aya.


Nakuha naman sa posesyon ng mga suspek ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.


Nasa kostodiya na ngayon ng PDEA BARMM ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.




27 views
bottom of page