top of page

3 ABU SAYYAF GROUP MEMBERS MULA BASILAN NA NAKIPAGBAKBAKAN SA MILITAR NOON SA MARAWI SEIGE, SUMUKO

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Sumuko ang tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group sa militar sa lalawigan ng Basilan nitong Lunes.


Ayon sa ulat mula sa Naval Forces Western Mindanao, kinilala ang tatlo na sina alyas Abu Dijana, alyas Abu Supian, at alyas Abu Jay.


Photo courtesy : NAVAL FORCES WESTERN MINDANAO


Kasabay ring isinuko ng mga ito ang isang M14 rifle, Garand rifle, M16 rifle, magazine, at mga bala.


Itinurn-over sila sa Joint Task Force-Basilan at isinailalim na sa debriefing upang isama sa Program Against Violent Extremism para sa mga sumusukong ASG sa lalawigan.


Ayon sa militar, isiniwalat ng tatlo sa isinagawang debriefing na nasa ilalim sila ng pamumuno noon ni Esnilon Hapilon na tinaguriang Emir o lider ng lahat ng Islamic State Forces sa Pilipinas at nakipagbakbakan sa Marawi Seige.


Si Hapilon ay napatay kasama si Omar Maute sa isang sagupaan sa pwersa ng gobyerno noong October 16, 2017 sa panahon ng Marawi City Siege sa Lanao del Sur.


Si Omar ay isa sa dalawang tagapagtatag ng Maute group. Ang isa pa ay ang kanyang kapatid na si Abdullah, na napatay noong Agosto 7, 2017, sa panahon din ng Marawi Siege.


End



0 views
bottom of page