3 BAYAN SA LANAO DEL SUR, IDEKLARANG “FAILURE OF ELECTION” NG COMELEC
Kael Palapar

LANAO DEL SUR — Isasailalim ngayon sa "failure of elections" ang tatlong bayan ng Tubaran, Butig at Binidayan sa probinsya ng Lanao del Sur kasunod ng isinumiteng report ni COMELEC- BARMM Regional Director Atty. Rey Sumalipao Araw ng Martes, May 10.
Ayon sa report, hindi na nagawang mabawi pa ng pwersa ng AFP ang lahat ng 798 na vote counting machine o VCM at official ballots na ninakaw sa munisipyo ng Butig.
Nasira rin ang lahat n na VCM at official ballot sa munisipiyo ng Binidayan at TUbaran dahil sa mga kaguluhang ipinakita ng ilang political supporters.
Isa rin pananaksak sa isang police officer ang naitala noong araw mismo ng halalan.
Dahil sa mga ito, walang naganap na eleksyon noong Lunes.