top of page

3 drug peddlers, arestado matapos na mahuli sa aktong nagbebenta ng iligal na droga,

Kate Dayawan | iNews | November 10, 2021


Cotabato City, Philippines - Dahil sa report ng mga residente, arestado ng PNP BARMM ang tatlong indibidwal na nahuli sa aktong nagbebenta ng iligal na droga sa Barangay Sanga-Sanga, Bongao, Tawi-Tawi noong araw ng Lunes, November 8.


Kinilala ang suspek na sina alyas Rustom, Suarez at Jess mga nasa wastong gulang at pawang mga residente ng nasabing lugar.


Sa report mula sa Police Regional Office - BAR, nagsasagawa umano ng regular police visibility at mobile patrol ang Bongao Municipal Police Station nang makatanggap ng report umano sa isang concerned citizen patungkol sa nagaganap na bentahan ng iligal na droga. Agad na rumesponde ang mga kapulisan at positibo ngang nahuli ng pulisya sa iligal na gawain ang mga suspek.


Nakumpiska mula sa posesyon ng mga ito ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na mahigit kumulang 23 grams na may Standard Drug Price na 156,400 pesos.


Bukod pa rito ay nakuha rin sa pag-iingat ng mga ito ang 24 na transparent plastic straws na naglalaman din ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na mahigit kumulang 3grams na may Standard Drug Price na 20,400 pesos at iba pang drug paraphernalias.


Nakapiit na ngayon sa Bongao MPS ang tatlo na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Patuloy naman umano sa pagsulong ng kampanya kontra iligal na droga ang PRO-BAR lalo pa at nalalapit na ang National Elections sa May 2022.




0 views0 comments

Recent Posts

See All