top of page

3 INDIBIDWAL KABILANG ANG ISANG NOTORIOUS NA BOMBMAKER NG CTG, NAPASAKAMAY NG OTORIDAD SA TAGUM CITY

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 14, 2022

Photo courtesy : Eastern Mindanao Command, AFP


Cotabato City, Philippines - Napasakamay ng otoridad ang tatlong miyembro ng Communist Terrorist Group kabilang na ang isang notorious na bombmaker matapos na ilunsad ng pinagsanib na pwersa ng 1001st Brigade, PNP at intelligence unit ang Law Enforcement Operations sa Barangay La Filipina, Tagum City noong a nuwebe ng Marso.


Kinilala ang tatlong indibidwal na sina alyas Rico, bombmaker ng Komisyong Mindanao (KOMMID) at Southern Mindanao Regional Committee (SMRC); Christine Joy, isang finance officer ng Guerrilla Front 3 (GF3), Sub-Regional Committee 4 (SRC4), SMRC at Chargelyn na isa namang Political Instructor ng Pulang Bagani Command (PBC), Regional Operations Command (ROC), SMRC.


Ayon kay LtGen. Greg T. Almerol, Commander ng Eastern Mindanao Command, si alyas Rico ay may standing warrant of arrest dahil sa kasong Murder at Serious Illegal Detention, habang kasong Rebellion and Insurrection naman ang kay alyas Christine Joy at wanted naman dahil sa kasong Homicide si alyas Chargelyn.


Narekober naman ng otoridad sa posesyon ng mga ito ang dalawang Improvised Explosive Device, isang M16 rifle, isang Caliber .45 na may magazine at ammunition, cellphone, medical equipment at mga subersibong dokumento.


End.



1 view
bottom of page