top of page

3 indibidwal, kalaboso nang mahuli sa akto ng tangkang pagnanakaw sa Parang, Mag

Kate Dayawan | iNews | November 10, 2021


Cotabato City, Philippines - Timbog ang tatlong indibidwal na kinilalang sina alyas Jaimek, Adam at Faisal matapos na mahuli sa akto ng tangkang pagnanakaw ng pera mula ng isang negosyante sa Barangay Sarmiento, Parang, Mahuindanao pasado alas singko ng hapon kahapon, November 9.


Batay sa imbestigasyon ng Parang Municipal Police Station, nahuli sa akto ng negosyanteng si Vilma Aporbo na residente ng Purok Highway Zone 2, Barangay Sarmiento ang pagkuna ng suspek sa pitaka nito.


Tinangka pa umanong tumakas ng mga suspek sakay ng payong-payong ngunit kalauna'y nahuli rin ng mga operatiba ng Parang MPS ang mga ito.


Matapos ang paunang imbestigasyon, lumitaw sa himpilang ng pulisya ang iba pang nabiktima ng tatlo.


Nakapiit na ngayon sa Parang PNP ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong pagnanakaw.


Nagpaalala naman ang Parang PNP sa publiko na mag-ingat sa mga magnanakaw at agad na ipagbigay alam sa otoridad kung mayroong kahinahinalang tao sa komunidad.




5 views
bottom of page