Kate Dayawan | iMINDS Phils | February 17, 2022

Photo courtesy: NBI
Cotabato City, Phils - Napasakamay ng National Bureau of Investigation - Western Mindanao Regional Office ang tatlong indibidwal dahil sa Large Scale Estafa.
Kinilala ang tatlong suspek na sina Francis, Rehan at Farha.
Ayon kay Director Eric B. Distor, NBI Officer-In-Charge, ang nasabing operasyon ay resulta ng imbestigasyon at case build-up matapos na maiparating sa kanilang tanggapan na ginagamit umano ng mga suspek ang pangalan ng NWORLD CORPORATION (NWORLD) at ALPHANETWORLD CORPORATION (ALPHANET) sa kanilang panloloko.
Ayon sa reklamo, nangrerecruit umano ang NWORLD at ALPHANET sa pamamagitan ng pagkumbinsi at pangangako sa mga biktima o aplikante nito na babalik sa kanila ang 15 to 20 percent na income, 20,000 pesos na halaga ng beauty products at 100,000 pesos na halaga ng insurance kapalit ng kanilang 10,000 pesos na investment ngunit ang totoo ay hindi naman talaga ito nag-eexist.
Nagsagawa ng undercover at surveillance operations ang NBI-WEMRO upang mabunyag ang pagkakakilanlan ng mga taong nasa likod ng nasabing modus operandi.
Sa beripikasyon mula sa Security and Exchange Commission, sinabi nito na rehistrado sa kanilang Sistema ang NWORLD at ALPHANET ngunit hindi ito otorisadong makisali sa pooling of investment at paglabag ito sa Securities Regulation Code.
Matagumpay na nasakote ang mga suspek sa isinagawang entrapment operation kung saan nakumpiska ng mga operatiba ang mga ID ng mga suspek, boodle money, cellphone, iba’t ibang dokumento ng quit-claim at Distributors Application Form.
End.