3 LALAKI ARESTADO, DRUG DEN, KINALAS SA ANTI-ILLEGAL DRUG OPERATION NG PDEA BARMM SA COTABATO CITY

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Tiklo ang tatlong drug personalities na kinilala sa alyas na Don, Wong at Nords sa ikinasang operasyon ng PDEA BARMM sa Barangay Rosary Heights 1, Cotabato City araw ng Biyernes.


Kinalas din ng otoridad ang isang drug den na pagmamay-ari ni alyas Wong.


Sa naturang operasyon, nakumpiska at narekober ang tatlong (3) pakete ng hinihinalaang Ssabu na nagkakahalaga ng P68,000.00, buy-bust money, isang mobile phone, assorted drug

Photo courtesy : PDEA BARMM


paraphernalia, at isang voter's identification card.


Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa naaresto na nasa kustodiya ngayon ng PDEA BARMM Jail Facility.


Katuwang ng PDEA Maguindanao Provincial Office sa isinagawang operasyon ang City Police Drug Enforcement Unit-Cotabato City Police Offfice, NBI BARMM, Task Force Kutawato, Highway Patrol Group, at PNP Maritime.


End


2 views