Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Arestado sa isang checkpoint sa Barangay Bango, Marawi City, Lanao Del Sur ang tatlong lalaki na kinilala sa alyas na Raff, Jalani at isang minor de edad dahil sa iligal na droga.
Ayon sa Marawi City Police Station, naharang ang tatlong lalalki sakay ng motorsiklo. Pero bago pa nakapagsagawa ng inspeksyon ang mga otoridad, isa sa tatlo ang naghagis ng bote sa tabi ng daan.
Nang suriin ng otoridad, napagalaman na mayroon itong anim na pakete ng hinihinalang shabu.
Agad inaresto ang tatlo. Ayon sa Marawi City PNP, nagkakahalaga ng Php38,148.00 ang mga nakumpiskang iligal na droga.
Nasa kustodiya na ng Marawi City PNP ang mga naaresto at nahaharap na ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Katuwang ng PNP sa isinagawang checkpoint ang mga elemento ng 1403rd Mobile Force Company Regional Mobile Force Battalion 14.
End