top of page

3 LALAKI, TIMBOG SA IKINASANG ANTI- ILLEGAL DRUG OPERATION SA MARAWI CITY

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Kulungan ang bagsak ng tatlong lalaki matapos ikasa ang Anti-Illegal Drug Operation sa Sitio Sugod, Barangay Patani, Marawi City, Lanao Del Sur nitong October 11.


Sa ulat mula sa Marawi City Police Station, naareasto sina Alyas Bagdadi, Ali, at Alyas Asnawe matapos mabilhan ng iligal na droga ng isang undercover agent na nagpanggap bilang poseur buyer.

Photo courtesy: PRO BAR


Nakumpiska sa pag-iingat ng mga suspek ang labing anim na pakete ng hinihinalaang shabu na nagkakahalaga ng Php30,600 .


Nakatakas naman sa opersyon ang dalawa pang kasamahan ng mga ito na sina alyas Maya at Alex.


Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Marawi CPS ang tatlong suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at habang patuloy naman tinutugis ng otoridad ang dalawang nakatakas.


Ang matagumpay na operasyon ay pinangunahan ng Marawi City Drug Enforcement Unit kasama ang 1403rd Regional Mobile Force Company, at 1st Police Mobile Force Company Lanao Del Sur Police Provincial Office.


End

1 view
bottom of page