Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 9, 2022

Photo courtesy : 4th Civil Relations Group
Cotabato City, Phils - Sumuko sa gobyerno ang tatlong miyembro ng Communist Terrorist Group bitbit ang kanilang mga armas sa Matalam, North Cotabato.
Sa report mula AFP, dalawa sa mga nagbalik-loob ay mga aktibong miyembro ng Militiang Bayan habang ang isa ay regular na miyembro ng New People’s Army.
Ang kahirapan sa buhay at labis na pangamba sa kanilang kaligtasan sa gitna ng pandemya ang nagtulak sa tatlong nagbalik-loob upang iwan ang kanilang grupo at mamuhay ng tahimik. Kasabay ng kanilang pagbabalik-loob ay ang pagsuko ng isang (1) Garand Rifle na may kasamang apat (4) na bala, at dalawang (2) Shotgun Rifles.
Ang mga nagbalik-loob ay pormal na iprinisenta ni LTC ROMMEL T MUNDALA INF (GSC) PA, ang Commanding Officer ng 90IB; at 1LT RONALDO G DISO (INF) PA, Commanding Officer ng Charlie Company kay Hon. Oscar M Valdevieso, ang Alkalde ng bayan ng Matalam.
Nag-abot naman ng inisyal na cash assistance ang alkalde sa tatlong nagbalik-loob sa pamahalaan.
End.