top of page

3 MIYEMBRO NG NPA KABILANG NA ANG ISANG MATAAS NA OPISYAL, PATAY MATAPOS MAKA-ENGKWENTRO ANG MILITAR

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Patay ang isang mataas na opisyal ng NPA at dalawa pang miyembro nito matapos makasagupa ang mga government forces sa Brgy Baluan, Palimbang, Sultan Kudarat nitong sabado, July 30.


Ayon kay Col. Michael Santos, 603rd Infantry (Persuder) Brigade, nagkaroon ng apat na serye ng engkwentro na nagresulta ng pagkakamatay ni Ian Dela Rama alias Cris na siyang pinaniniwalaang commanding officer ng Regional Operations command ng Far South Mindanao Region. Siya rin umano ang dating secretary ng Front 4A, North Central Mindanao Regional Committee noong May 2018 hanggang 2019. May warrant of arrest din ito sa kasong Arson.


Nasawi rin sa engkwentro sina Valerio Lacumbo alyas Bitoy at Wilmer Dela Cruz alias Dodong. Si alyas Bitoy ay may warrant of arrest din sa kasong robbery.


Narekober ng militar ang dalawang M16 A1 Rifles, isang garand Rifle, dalawang caliber .45 pistol, isang hand grenade, mga bala at mga personal na gamit tulad ng cellphone, limang flash drive at pera na nagkakahalaga ng 30, 030. 00


Samantala, naiturn-over na ang mga labi ng nasawing rebelde sa kani-kanilang mga pamilya.


Saludo naman si Major General Roberto S. Capulong, Acting Commander of 6th Infantry (Kampilan) Division and Joint Task Force Central sa pagsisikap ng militar upang labanan ang terorismo sa Sultan Kudarat at sa buong area of responsibility ng Joint Task Force Central.


Sa ngayon, siyam na CTGs na ang nasawi simula noong Enero ngayong taon at nasa 944 CTG members na ang sumuko. Nasa anim na pu’t walong mga armas naman ang nai-turn over, labing anim na grenade, at limang anti-personnel mine.

3 views
bottom of page