top of page

3 mula sa 18 PAGS ang aktibo pa sa Mag;141 potential PAGS, naitala sa BARMM bukod sa 71 na inactive.

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 7, 2022






Cotabato City, Phils - Labing isang private armed groups na ang tinanggal na sa listahan ng PNP BARMM. Apat ang naghain ng application for delisting.


Mayroon pang tatlong natitirang aktibong PAGS sa Maguindanao. Mayroon itong isang daan at pitumpot pitong miyembro at mayroon ding isang daang at apatnaput isang armas.




Sa buong rehiyon, isang daan at dalawamput anim ang itinuturing ng PNP BARMM na “ potential” PAGS.


Dalawapu’t tatlong grupo sa Lanao Del Sur. 28, sa Maguindanao, limamput sa Basilan, at 24 sa Tawi-Tawi.


Sa kabuuan ay mayroon itong 1,592 na miyembro at mayroong 1,216 na armas.


71 naman ang “dormant” o “inactive” PAGS sa BARMM.


3 sa Lanao Del Sur, 5 sa Maguindanao, 50 sa Basilan at 13 sa Tawi-Tawi.



end


0 views
bottom of page